10 detenido pumuga sa Pasay City police jail, 4 agad balik-kulungan

Balik sa kulungan at mahaharap pa sa karagdagang kaso ang apat sa anim na detenido na tumakas mula sa kulungan ng Malibay Police Sub-Station 6 kaninang madaling araw.

Nakilala ang apat sa mga agad nahuli na sina Joey Hernandez, Eden Garcia, Joshua Panganiban, at Tirzo Galit.

Sina Hernandez at Galit ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sil ay natunton sa Barangay 59 sa Pasay City.

Si Panganiban at Galit naman ay kapwa may kasong robbery. Nahuli si Panganiban sa Barangay Sta. Ana sa Taytay, Rizal, samantalng sumuko naman si Galit.

Ang pinaghahanap pa ay sina Carlo Magno Benavidez ,  Christian Salvatierra, Norman Deyta, Joseph Osorio, at  Richard Dela Cruz, pawang mga may kasong paglabag sa RA 9165 at John Michael Cabe, na may kasong carnapping.

Nabatid alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubre ang pagtakas ng 10 matapos maputol ang mga rehas ng kanilang kulungan.

Ginulpi pa nila ang naka-duty na jail custodian, bago tumakas tangay ang baril at pera ng pulis.

Bunga nito, sinibak sa puwesto si Police Maj. Jerry Sunga, commander ng naturang sub-station.

Si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay nag-alok ng P30,000 pabuya para sa ikakaaresto sa anim pang pugante.

 

Read more...