Isa pang UN official, kinondena ang panukalang reward money sa mga makakapatay ng drug lords

By Jay Dones June 16, 2016 - 04:27 AM

 

Inquirer file photo

Nagbabala ang United Nations Commissioner on Human Rights na si Zeid Ra’ad Al Hussein sa plano ng Duterte administration na magbigay ng reward money sa sinumang makapapatay ng mga drug lords sa bansa.

Ayon kay Zeid, malaki ang posibilidad na pagmulan ng kaguluhan ang naturang hakbang dahil magbubunga lamang ito walang habas na pagpatay kahit maging sa mga sibilyan na hindi pa napapatunayang guilty sa hukuman.

Wala rin aniyang magandang idudulot ang panunumbalik ng death penalty na isang ‘backward step’ aniya sa maayos na pamamahala.

Giit pa nito, saklaw ng international law si Duterte at dapat nitong tinitiyak na napapangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino at maging mga mamamahayag.

Si Zeid ang pinakahuling opisyal ng United Nations na bumatikos sa plano ni President-elect Duterte matapos nitong mistulang suportahan ang extrajudicial killings sa bansa at ang komento nito ukol sa pagpatay sa mga mamamahayag.

Una nang kinondena ng dalawang UN Rapporteur at si United Nations Secretary General Ban Ki-Moon si Duterte dahil sa mga pahayag nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.