Dagdag-presyo sa diesel, gasolina ngayon Semana Santa

By Jan Escosio April 03, 2023 - 05:36 PM

Simula alas-12:01 ng madaling araw bukas, Abril 4,  ikatlong araw ng Semana Sanrta ay tataas ang halaga ng mga pangunahing produktong-petrolyo.

Hiwalay nang naglabas ng abiso ang Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Seaoil, Shell at  Unioil para sa pagtaas ng P1.40 sa kada litro ng kanilang gasolina.

Ang kanilang diesel o krudo naman ay madadagdagan ng P0.50 ang kada litro.

Samantala, ang Caltex, Seaoil at Shell ay magpapatong ng P0.20 sa kada litro ng kerosene.

Ito ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo makalipas ang tatlong linggo ng “price rollback” at kasabay nang pagbiyahe ng mga tao kasabay ng paggunita ng Semana Santa.

Ang paggalaw sa mga presyo ay kasunod ng anunsiyo ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (POEC) na magbawas ng produksyon ng langis.

Simula sa pagpasok ng 2023, P6.75 na ang itinaas sa gasolina, samantalang bumaba naman ng P1.15 ang diesel at P3.25 sa kerosene.

 

TAGS: diesel, gasolina, kerosene, OPEC, price hike, Semana Santa, diesel, gasolina, kerosene, OPEC, price hike, Semana Santa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.