Sen. Bong Go: Reporma sa military pension para lang dapat sa mga bagong sundalo

By Jan Escosio April 03, 2023 - 04:47 PM
Tiniyak ni Senator Christopher Go na ipaglalaban niya kung ano ang makakabuti sa kapakanan ng mga sundalo. Sa kontrobersyal na panukala na pagreporma sa sistema ng pensyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni Go na dapay ay epektibo lamang sa mga baguhan at papasok pa lang sa serbisyo. “Ako naman po bilang isang senador, at vice-chairman ng Defense Committee sa Senado, rest assured that any measure that I will push or support related to the military and uniformed personnel will always be for their betterment. Kahit isang boto lang po ako palagi kong ipaglalaban kung ano ang tama at makakabuti po sa military at sa ating mga uniformed personnel. Naintindihan ko po ang concern ng ating mga finance manager, pero ‘wag po natin itong gawin at the expense of the military,” diin niya. reaksyon ito ng senadora sa pahayag ni Finance Sec. Benjamin Diokno na itinutulak ni Pangulong Marcos ang pagrebisa sa “pension system” sa militar at unifomed personnel para maiwasan ang posibleng “fiscal collpase” at upang makatipid ang gobyerno ng P130 bilyon kada taon. Hindi din pabor si Go sa “mandatory contribution, gayundin ang pagtanggal ng “automatic indexation” sa mga pensyon. “Hindi po ako sang-ayon dito sa mandatory contribution, parang bigay-bawi po ito. Parang pinasarapan sila noong 2018, na-doble po ang kanilang sahod, tinaasan po ang kanilang sweldo, tapos naman ngayon, ipag-contribute sila. Hindi po ako sang-ayon diyan,” ang pahayag ng pagtutol ni Go. Pagbabahagi pa niya: “Dapat po’y huwag na natin silang paobligahin pa doon sa mandatory contribution. Dapat po exempted sila doon… sa ibang bansa tulad sa British, hindi na po sila inoobliga na magbigay ng mandatory contribution dahil sa kanilang trabaho at sakripisyo para sa kanilang mga kababayan,.” Binanggit pa niya na sa termino ni dating Pangulong Duterte pinagsumikapan nitio na madoble ang sahod ng mga sundalo at tinanggihan nito na galawin ang pensyon ng mga sundalo. “We should not change rules o pagbabago po ng batas sa kalagitnaan… huwag natin baguhin ang nakasanayan na sa kalagitnaan. Alam n’yo karamihan po sa ating mga military, expecting na sila sa kanilang matatanggap. Once they retire, ‘yung iba po ay naka-loan, ‘yung iba ay nakautang na at mayroong nakalaan na, nakaplano na ito sa kanilang mga anak, sa kanilang mga pamilya. Nakaprograma na po ang kanilang mga pera,” paliwanag pa niya.

TAGS: military, Pension, retirement, uniformed personnel, military, Pension, retirement, uniformed personnel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.