Hiwalay na inagurasyon nina Duterte at Robredo, kumpirmado na

By Jay Dones June 16, 2016 - 04:25 AM

 

duterte-robredo-0510Kinumpirma ng kampo ni Incoming President Rodrigo Duterte na hindi magsasama sa iisang inagurasyon sina incoming President Rodrigo Duterte at incoming vice president Leni Robredo.

Sa statement ni Bong Go, Special Assistant ni Duterte na binasa ni incoming PCOO chief Martin Andanar, sinabi nito na magaganap ang inagurasyon ni Duterte sa June 30, sa Malacañang.

Magiging simple aniya ito ngunit magiging makabuluhan tulad ng ipinangako ni Duterte habang ito’y nangangampanya pa.

Paliwanag pa sa mensahe, dahil sa magiging limitado at payak lamang ang okasyon, hindi ito magiging ‘fair’ o patas para kay Robredo dahil sa posibilidad na hindi nito maimbitahan ang lahat ng kanyang mga nais na maging bisita sa okasyon.

Dahil dito, mas makabubuti aniyang magkaroon ng hiwalay na inauguration si robredo upang mapagbigyan nito ang lahat ng kanyang mga nais na maging panauhin na dumalo sa naturang okasyon.

Pasado-alas dose na ng hatinggabi nang matapos ang pakikipag-usap ni Duterte sa kanyang magiging Gabinete sa PICC kanina.

Matapos ang limang oras na pagpupulong, agad ding umalis sa llugar at hindi na nagpa-unlak ng panayam sa media ang susunod na Pangulo ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.