Pagkain at inumin sa stranded na pasahero sa mga pantalan tiniyak ng PPA

Ngayon nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa mga pantalan, pinatitiyak ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa lahat ng kanyang ports manager na tiyakin na may pagkain at inumin sa mga maaring ma-stranded dahil sa aberya sa biyahe ng mga barko.

Ayon kay Santiago, naging “standard operating procedure” na sa kanila na mamahagi ng lugaw, tubig at inuming kape sa mga stranded na pasahero nang hindi na hinihintay ang pagkilos ng kompaniya ng barko.

“Ang PPA po ay nagbibigay kahit papaano ng lugaw at mga tubig na malamig na maiinom at kap na maiinom po. Ganun po ang ginagawa namin,” sabi ni Santiago sa isang panayam sa radyo.

Inaasahan na sa kabuuan ng Semana Santa, aabot sa 2.2 milyon pasahero ang sasakay ng mga barko.

Kamakailan lamang ay binuksan na ang inayos at modernonng passenger terminals ng PPA sa Masbate; Coron, Palawan at Calapan City sa Oriental Mindoro para sa mas malaking kapasidad at modernong pasilidad.

Read more...