SOJ: Rep. Arnie Teves lumalabas na utak sa Degamo-slay case

By Jan Escosio April 03, 2023 - 12:52 PM

Tinukoy na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves na lumalabas na utak sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Itinuro din niya ang dating Army reservist Marvin Miranda na isa din sa utak ng pagpatay kay Degamo.

Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Miranda kamakailan.

Ayon pa kay Remulla ipinapalagay niya na may koneksyon sina Teves at Miranda.

“Kumbaga sa sine. siya (Miranda) yung director at casting diretor. Hindi lang ito sine kasi totoo nangyari ito eh. While Congresmman Teves is the executive producer,” paliwanag ni Remulla sa tanong ng mamamahayag.

Magugunita na umaga noong Marso 4, pinasok ang bahay ni Degamo sa bayan ng Pamplona, kasabay ng pamamahagi niya ng ayuda at agad siyang pinuntirya ng mga salarin.

Agad namatay si Degamo at walong iba pa ang nasawi, samantalang 15 pa ang nasugatan.

Ilang ulit ng itinanggi ni Teves na may kinalaman siya sa pagpatay kay Degamo.

TAGS: DOJ, Gov. Roel Degamo, NBI, Negros Oriental, teves, DOJ, Gov. Roel Degamo, NBI, Negros Oriental, teves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.