Lumitaw sa pinakabagong RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) “Boses ng Bayan” independent, non-commissioned survey na si House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ay may pinakamataas na performance rating sa lahat ng 126 “neophytes” Congressmen. Nakuha ni Sandro ng Ilocos sur, District1 ang kahanga-hangang 95.8% performance score.
Sa performance evaluation pumapangalawa naman si Jolo Revilla ng Cavite na may 91.7% na sinundan ni Edu Rama ng Cebu na may score na 91.5%.
Statistically-tied naman sa ikatlong puwesto sina Representatives Amben Amante ng Laguna (89.4%), Marvin Rillo ng Q.C. (88.7%), Emeng Pascual ng Nueva Ecija (88.6%), Rhea Gullas ng Cebu (88.6%), Marivic Co -Pilar ng Q.C. (88.5%), Jeff Khonghun ng Zambales (88.5%), at Lordan Suan ng Cagayan de Oro (88.4%). Nakatanggap ang mga pulitikong ito ng “significant scores” para sa kanilang job performance bilang mga mambabatas.
Si Ando Oaminal (Misamis Oriental) 88.1%, Migz Villafuerte (Camarines Sur) 87.7%, Midy Cua ng (Quezon) 87.6%, at Aniela Tolentino (Cavite) na 87.4% ay “statistically equivalent” sa ika-apat na puwesto samantalang sina Franz Pumaren (Quezon City) 86.6%, Dean Asistio (Caloocan) 86.4%, Cynthia Chan (Lapu-Lapu) 86.4%, PM Vargas (Quezon City) 86.2%, Ian Amatong (ZaNorte) 86.1% , at Marie Escudero (Sorsogon) 85.8% ay tumabla din para sa ikalimang puwesto.
Ang pinakahuling job satisfaction evaluation ng mga party-list representatives sa Pilipinas ay nagsiwalat ng mahusay na pagganap ni Yedda Marie Romualdez mula sa Tingog Partylist. Nakamit ni Romualdez ang “excellent rating” na 93.5%, na pumuwesto sa kanya bilang top-performing Representative sa party-list system. Sumunod kay Romualdez ay si Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS, na nakakuha ng “commendable score” na 89.4%.
Sina Bryan Revilla ng AGIMAT (88.6%), Migs Nograles ng PBA (87.9%), JC Abalos ng 4PS (87.5%) ay nasa top 3-5 habang sina Bonifacio Bosita ng 1Rider (85.9%), Elizaldy Co ng Ako Bicol (85.1%), Bernadette Herrera ng BH Bagong Henerasyon (84.4%), Rodante Marcoleta ng SAGIP (83.6%), at si Ompong Ordanes ng Senior Citizens (80.1%) naman ay nasa top 6-10.
“These evaluations are essential in providing a glimpse into the performance of the country’s district and party-list representatives, who have been tasked to represent every district and the marginalized sectors of society. Through these ratings, the public can gauge the effectiveness of these representatives in fulfilling their mandate and addressing the needs of their constituents”, said Dr. Paul Martinez of RPMD.
Ang Top District Representative-Philippines “neophytes” at Top Partylist Representatives-Philippines ay bahagi ng “Boses ng Bayan” national survey na nag-evaluate sa performance ng mga opisyal ng gobyerno. Ginawa ito sa pamamagitan ng personal na panayam sa 10,000 adult na respondent, at may sampling error margin na +/-1%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.