Trapik sa QC ibinabala dahil sa Metro Manila Summer Film Festival

 

Pinayuhan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga motorista na maghanap ng alternadibong ruta sa lungsod dahil sa 2023 Metro Manila Summer Festival na gaganapin bukas, araw ng Linggo, Abril 2, 2023.

Ayon kay Belmonte, tatahakin ng ruta ang kahabaan ng Commonwealth Avenue mula Villa Beatriz hanggang Quezon Memorial Circle.

Sabi ni Belmonte, asahan na ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga lugar at pagdagsa ng mga manonood.

Tampok sa Metro Manila Summer Film Festival ang mga pelikulang:

-About Us But Not About Us

-Apag

-Here Comes the Groom

-Kahit Maputi na ang Buhok Ko

-Love You Long Time

-Single Bells

-Unravel: A Swiss Side Love Story

-Yung Libro sa Napanood Ko

 

 

Read more...