Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinakamataas na dibidendo ng PAG-IBIG fund mula nang tumama ang COVID-19 pandemic.
Ito’y makaraang umabot sa 6.35 percent ang regular saving dividend rate nito noong 2022 at lumobo sa 7.03 percent per annum ang modified PAG-IBIG 2 (MP2) savings.
Ang dividend rates sa savings ng mga miyembro ng ahensya ang tampok sa PAG-IBIG Fund Chairman’s Report for 2022, kung saan nagbigay ng mensahe si Pangulong Marcos sa harap ng members, partners at stakeholders.
Sinabi ng punong ehekutibo na ipinagmamalaki niya ang matagumpay na pagbibigay ng affordable shelter financing ng PAG-IBIG na itinatag noong panunungkulan ng kanyang ama na si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Naitala ng PAG-IBIG fund ang best performing year nito noong 2022 makaraang pumalo sa record high ang net income nito na P44.50 billion na mas mataas ng 28% mula sa P34.69 billion noong 2021.