Bato duda na aabot sa plenaryo ng Senado ang Cha cha bill

Malabo na makakaabot ng plenaryo ng Senado ang panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.

Ito ang pag amin ni Sen. Ronald dela Rosa dahil sa kakulangan ng suporta mula sa mga kapwa senador.

Aniya ang tiyak lang niya ay ang suporta ng kanilang mga kapartido ni Sen. Robinhood Padilla.

Bukod sa kanila, miyembro din ng PDP Laban sina Sens. Christopher Go at Francis Tolentino.

Sinabi ito ng senador dahil aniya batid na nila ang posisyon ng mga kapwa senador ukol sa isinusulong na pagbabago sa economic provisions ng Saligang Batas.

Paniwala naman niya na hindi nasayang ang mga ikinasang pagdinig at public consultations ni Padilla, na pursigido sa pangarap na Charter change.

Pinahanga aniya siya ni Padilla sa ipinakitang dedikasyon at determinasyon na baguhin ang ilang probisyon ng Konstitusyon.

Paniwala ni dela Rosa natutuhan na rin ni Padilla na kahit miyembro ng mayorya ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay sinusuportahan ng “majority bloc.”

Read more...