TESDA, No. 1 sa approval at trust ratings survey

By Jan Escosio March 31, 2023 - 11:19 AM

Sa ika-anim na buwan, muling nakuha ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pinakamataas na approval at trust ratings sa hanay ng lahat na ahensiya ng gobyerno.

Base sa resulta ng 2023 PAHAYAG First Quarter Survey, nakakuha ang TESDA 73% approval rating na mas mataas pa sa nakuhang 72% sa huling tatlong buwan ng nakalipas na taon.

Sumunod sa TESDA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na may  69% at ang  Department of Tourism (DOT) sa kanilang 68% approval ratings.

Nakuha rin ng TESDA ang pinakamataas na trust rating na 60% katulad ng nakuha ng AFP at sumunod sa kanila ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may  55%.

“It is an honor to be, once again, to be the most trusted and approved government agency. It gives us more reason to continue serving and reaching out to our kababayans as we pursue an area-based and demand-driven TVET,” ani TESDA Dir. Gen. Danilo Cruz.

Aniya ang pangunguna nila sa trust at approval ratings ay dahil sa pagpapabuti pa nila sa kanilang mga programa at polisiya.

Tiniyak naman ni TESDA spokesperson Deputy Dir. Gen.Aniceto Bertiz na handa silang tumugon sa mga ” reskilling and upskilling needs” ng mga manggagawang Filipino.

“We commit to improving our existing programs and services by providing quality and relevant skills training to Filipinos,” aniya.

TAGS: approval, survey, Tesda, trust, approval, survey, Tesda, trust

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.