Dahil sa posibilidad ng krisis sa tubig, pinayuhan ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka na ikunsidera ang pagtatanim ng “high value crops.”
Sinabi ni NIA acting Administrator Eddie Guillen na ang mga magsasaka na problema ang sapat na suplay ng tubig ay maaring magtanim ng mais o monggo, na hindi nangangailangan ng maraming tubig.
Ayon pa kay Guillen na mas maganda pa ang kita sa “high value crops.”
Binanggit din niya na kailangan ng isang ahensiya na mangangasiwa sa pagpapatayo ng matataas na dam sa buong bansa.
Paliwanag niya hindi lang irigasyon ang layon ng matataas na dam kundi para na rin sa flood control, at enerhiya.
Pagtitiyak na lang din ng mga opisyal na may sapat na pondo ang NIA para suportahan ang mga magsasaka na lubhang maaapektuhan ng krisis sa tubig.