Mga magsasaka pinayuhan na magtanim ng high-value crops ngayon tag-init

By Jan Escosio March 31, 2023 - 11:12 AM

Dahil sa posibilidad ng krisis sa tubig, pinayuhan ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka na ikunsidera ang pagtatanim ng “high value crops.”

Sinabi ni NIA acting Administrator Eddie Guillen na ang mga magsasaka na problema ang sapat na suplay ng tubig ay maaring magtanim ng mais o monggo, na hindi nangangailangan ng maraming tubig.

Ayon pa kay Guillen na mas maganda pa ang kita sa “high value crops.”

Binanggit din niya na kailangan ng isang ahensiya na mangangasiwa sa pagpapatayo ng matataas na dam sa buong bansa.

Paliwanag niya hindi lang irigasyon ang layon ng matataas na dam kundi para na rin sa flood control, at enerhiya.

Pagtitiyak na lang din ng mga opisyal na may sapat na pondo ang NIA para suportahan  ang mga magsasaka na lubhang maaapektuhan ng krisis sa tubig.

TAGS: farmer, hybrid, mais, NIA, farmer, hybrid, mais, NIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.