Pagkamatay ng CSA – Makati student sa paglalaro ng football, ikinabahala

By Chona Yu March 30, 2023 - 05:18 PM

Nabahala ang ang ibat-ibang sports club matapos mamatay ang isang estudyante habang naglalaro ng football sa Colegio de San Agustin sa Makati City.

Ayon kay Atty. Tranquil Salvador, chairman ng Philippine Columbian Association (PCA), ito ang dahilan kung kaya nirepaso nila ang kanilang mga polisiya para masigurong ligtas ang mga atleta sa paglalaro lalo na ngayong matindi ang init sa Pilipinas.

Hindi maikakaila na natigil muna ang ilang sports dahil sa naturang insidente.

May inoorganisa ang PCA na Metro Manila Open sa buwan ng Mayo kung saan lalahok ang mga professional tennis player sa buong bansa at suportado ito ng local government units (LGUs).

Nasa 1.8 milyon ang nakalaang premyo sa palaro.

TAGS: football, Makati, pca, student, Summer, football, Makati, pca, student, Summer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.