Mahigit 500 aso at pusa ang kinapon ng Quezon City Government at Animal Kingdom Foundation bilang bahagi ng selebrasyon sa Anti Rabies Awareness Month ngayong Marso.
Ayon sa lokal na pamahalaan, libre ang pagkapon sa mga lalaking aso at pusa habang injection naman ng anti rabies ang ibinibigay sa mga alagang babaeng hayop.
May itinalaga na mga betirinaryo ang QC Veterinarian Office na siyang nagsasagawa ng operasyon na tumagal ng hanggang 10 minuto .
Nais ng pamahalaang lungsod na maturukan ang mga alagang hayop ng anti rabies vaccine dahil ang buwan ng Marso ang kadalasang may pinakamaraming naitatalang kaso ng rabies.
Kaya naman, hinihikayat ng QC LGU ang mga pet lovers na dalhin ang mga alagang hayop sa QC Circle upang maturukan ng bakuna kontra rabies upang maingatan ang kalusugan ng naturang mga hayop.