QC LGU may alok na anti-rabies shot sa mga aso, pusa

By Chona Yu March 30, 2023 - 04:44 PM

Mahigit 500 aso at pusa ang kinapon ng Quezon City Government at Animal Kingdom Foundation bilang bahagi ng selebrasyon sa   Anti Rabies Awareness Month ngayong  Marso.

Ayon sa lokal na pamahalaan, libre ang pagkapon  sa mga lalaking aso at pusa habang injection naman ng anti rabies ang ibinibigay sa mga alagang babaeng hayop.

May itinalaga na mga betirinaryo ang QC Veterinarian Office na siyang nagsasagawa ng operasyon na tumagal ng hanggang 10 minuto .

Nais ng pamahalaang lungsod  na maturukan ang mga alagang hayop ng anti rabies vaccine  dahil ang buwan ng Marso  ang kadalasang may pinakamaraming naitatalang kaso ng rabies.

Kaya naman, hinihikayat ng QC LGU ang mga  pet lovers na dalhin ang mga alagang hayop sa QC Circle upang maturukan ng bakuna kontra rabies  upang maingatan ang kalusugan ng naturang mga hayop.

 

TAGS: aso, LGU, pusa, QC, rabies, aso, LGU, pusa, QC, rabies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.