Paghahanap sa 2-taong gulang na bata na tinangay ng buwaya sa Walt Disney Florida, nagpapatuloy

By Jay Dones June 16, 2016 - 04:13 AM

 

alligatorPatuloy na pinaghahanap ng mga rescue teams ang isang alligator na sinasabing sumakmal at lumapa sa isang 2 taong gulang na bata sa gilid ng lagoon ng Disney World resort sa Florida.

Apat na alligator na ang isinailalim sa euthanasia dahil sa pangambang isa sa mga ito ang sangkot sa pag-atake.

Gayunman, lumitaw sa pagsisiyasat na wala sa apat na alligator na pinatay ang sangkot sa insidente.

Dahil sa pangyayari, nananatiling nakasara mga bakasyunista ang beach sa Walt Disney Resort hanggang sa kasalukuyan.

Nangako ang mga otoridad na magpapatuloy sa paghahanap hangga’t hindi nakikita ang bata.

Ang biktima ay kasama noon ng kanyang pamilya at naglalaro lamang sa gilid ng lagoon nang atakehin ito ng alligator at hilahin palayo.

Tinangka pa ng ama nito na sagipin ang bata ngunit nabigo ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.