Justice system sa Pilipinas, epektibong gumagana – Pangulong Marcos Jr.

By Chona Yu March 30, 2023 - 04:24 PM

PCO PHOTO

Fully functional ang sistema ng hudikatura sa bansa.

Ito ang sinabi  ni Pangulong  Marcos Jr. matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang apila ng Pilipinas na suspendihin ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ng nagdaang administrasyon.

Sa mensahe ng Pangulo sa plenary session ng Second Session for Summit for Democracy, sinabi nito na patuloy na magiging aktibo ng Pilipinas sa sa mga pandaigdigang diyalogo at pagtalakay sa ibat ibang isyu sa lipunan.

“Let me emphasize the rule of law prevails in the country—our criminal justice system is fully functioning. We continue to improve mechanisms such as the AO35 inter-agency committee to enhance accountability. The Philippines’ commitment to fight impunity for atrocity crimes is solid and unwavering, notwithstanding the withdrawal of the country from the Rome Statute,” pahayag ng Pangulo.

Iginiit pa ng Pangulo na may mga batas saa Pilipinas na nagpaparusa sa mga karumal-dumal na krimen.

“The Philippines has a national legislation punishing heinous crimes. We have vigorously exercised our jurisdiction to investigate and prosecute crimes, including those allegedly committed in the context of the anti-illegal drugs campaign,” sabi pa niya.

Patuloy aniyang makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa bilateral at international platforms para talakayin ang mga isyu na may kinalaman sa demokrasya, karapatang pangtao, good governance basta’t ito ay constructive, nakabase sa katotohanan at igagalang ang soberenya ng Pilipinas.

“The Philippines will sustain its tradition of open, constructive, and active engagement on human rights on matters that will meaningfully contribute towards reinforcing the sinews of democracy and of freedom,” pahayag ng Pangulo.

TAGS: crimes, ICC, Justice, system, crimes, ICC, Justice, system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.