Government official wanted sa ilang kapartido-Wackyleaks ni Den Macaranas
Umuusok sa galit ang ilang mambabatas sa isang opisyal ng Aquino administration.
Bukod sa umano’y pag-ipit sa kanilang pondo nung nakalipas na halalan ay balita naman ngayon na bibili daw ng ilang eroplano ang opisyal para idagdag sa fleet na ngayon ay nagseserbisyo sa kanilang lalawigan.
Hindi ito deklarado sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and New worth dahil gumagamit siya ng dummies para sa naturang negosyo.
Pero open secret naman ito sa kanilang probinsiya na ang may-ari ng mga eroplanong lumilipad doon ay ang government official na bida sa ating kuwento ngayong araw.
Duda ng ilan sa kanyang mga kapartido, malamang ay malaki ang naitabi ni Sir bilang pabaon sa kanyang sarili lalo’t ilang araw na lang sila sa pwesto.
Sa pagpasok ng bagong administrasyon ay asahan na rin daw ang mga kasong isasampa sa opisyal na ito dahil sa pagiging utak niya sa ilang money-making scheme ng kasalukuyang pamahalaan.
Sinabi pa ng ilang mga mambabatas na kaya natalo ang pambato ng administrasyon noong nakaraang halalan ay dahil sa pag-ipit sa kanilang pondo.
Iyan ang isa sa mga dahilan kaya mabilis nilang nilayasan ang kanilang partido at nakipag-alyansa sa papasok na administrasyon.
Hindi kasama sa listahan si Sir dahil alam niyang hindi siya welcome sa susunod administrasyon.
Noong nakalipas na halalan ay malaki rin ang kanyang ibinigay na pera sa kanyang kapatid dahil naghangad ito na tumakbo sa isang makapangyarihang pwesto sa kanilang lalawigan.
Dahil makakalaban ng kanyang utol ang Misis ni government official, nagpasya na lamang si Sir na suhulan ang kapatid para hindi mahati ang kanilang boto.
Nagbanta kasi ang brother ni government official na ilalantad niya sa publiko ang mga kalokohan ng kanyang kuya kaya bilang precautionary measure ay kaagad niyang inareglo ng malaking halaga ang kapatid.
Ang opisyal na pamahalaan na sinasabing nagtabi na ng malaking pabaon para sa kanyang sarili ay si Mr. B……as in Bald.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.