Speaker Martin Romualdez “caretaker” ng ikatlong distrito ng Negros Oriental

Para matiyak na hindi maaapektuhan ang mga serbisyong pampubliko at pangangailangan ng mga residente ng ikatlong distrito ng Negros Oriental, si House Speaker Martin Romualdez  ang magsisilbing “caretaker” ng naturang distrito.

Base ito sa House of Representatives Memorandum Order No. 19-017 na may petsang Marso 23, ngayon taon at inilabas ng opisina ni Romualdez.

“In the interest of the people of the 3rd District of Negros Oriental, the undersigned shall act as the Legislative Caretaker of the 3rd District of Negros Oriental  for the period of 23 March 2003 to 22 May 2023. This order takes effect immediately,” ayon sa naturang memorandum.

Kadalasan ang namumuno sa Kamara ay nagtatalaga ng “caretaker” ng isang legislative district, na ang kinatawan ay naitalaga sa isang posisyon sa gabinete, nasuspindi at napatalsik sa puwesto.

Magugunita na pinatawan ng Kamara ng 60-day suspension si Rep. Arnie Teves dahil sa patuloy na pagiging “absent with leave.”

Bago pa ito, nagsagawa ng mga pagdinfg ang House Ethics Committee, ngunit nabigong humarap si Teves kayat inirekomenda ang kanyang suspensyon.

Magugunita na umapila na mismo si Pangulong Marcos Jr., kasunod ni Romualdez., kay Teves na bumalik na sa bansa at depensahan ang sarili sa mga alegasyon.

Idinadawit si Teves sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo bagamat ito ay ilang ulit na niyang itinanggi.

 

Read more...