Ilang pasahero ng nasunog na barko, natusta ng buhay; 31 na ang patay
Umakyat na sa 12 ang namatay sa sunog na tumupok sa isang pampasaherong barko sa Basilan kagabi. Sinabi ni Commodore Marco Antonio Gines na bago mag-hatinggabi nang biglang nasunog ang M/V Lady Mary Joy 3 sa karagatan sakop ng Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad, Basilan Nang matanggap ang paghingi ng saklolo agad na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Maluso May 14 pa ang nasaktan at pito pa ang nawawala. Sinabi ni Basilan. Gov. Jim Salliman na maaring marami pa ang nawawala dahil humigit na sa 205 na nakalista sa manipesto ang sakay ng barko. Kabilang sa mga narekober ay katawan ng dalawang bata at isang anim na buwang gulang na sanggol. Bumuo naman ng Joint Search and Rescue Team ang Coast Guard Sub-Station Hadji Muhtamad sa pangungunahan ni Mayor Arsina Kahing-Nanoh kung saan isa pang bangkay ng babae ang narekober. Binabantayan na ng PCG ang posibleng oil spill dulot ng trahedya. May sakay na 205 pasahero ang barko at 35 tripiulante, na pawang nakaligtas. Iniimbestigahan na ang maaring nagpasiklab ng sunog sa barko na patungo sa Jolo, Sulu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.