Barko nasunog sa Basilan, dalawang pasahero nasawi

PCG PHOTO

Patay ang dalawang babaeng pasahero  matapos masunog ang sinasakyang barko  sa Basilan kagabi.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Basilan na nasusunog ang  M/V Lady Mary Joy 3 sa karagatan ng  Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad, Basilan. Agad na nagpadala ng Search and Rescue (SAR) Team ang Coast Guard Sub-Station Maluso kung saan narekober ang isang bangkay ng babae. Bumuo naman ng Joint Search and Rescue Team ang Coast Guard Sub-Station Hadji Muhtamad sa pangungunahan ni Mayor Arsina Kahing-Nanoh kung saan isa pang bangkay ng babae ang narekober. Binabantayan na ang posibleng pagkakaroon ng oil spill bunga ng insidente. Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang PCG kaugnay sa insidente.

Read more...