Patay ang dalawang babaeng pasahero matapos masunog ang sinasakyang barko sa Basilan kagabi.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Basilan na nasusunog ang M/V Lady Mary Joy 3 sa karagatan ng Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad, Basilan. Agad na nagpadala ng Search and Rescue (SAR) Team ang Coast Guard Sub-Station Maluso kung saan narekober ang isang bangkay ng babae. Bumuo naman ng Joint Search and Rescue Team ang Coast Guard Sub-Station Hadji Muhtamad sa pangungunahan ni Mayor Arsina Kahing-Nanoh kung saan isa pang bangkay ng babae ang narekober. Binabantayan na ang posibleng pagkakaroon ng oil spill bunga ng insidente. Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang PCG kaugnay sa insidente.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.