Formal Peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDFP, tuloy na muli sa Hulyo
Nagkaisa na ang panig ng National Democratic Front of the Philippines at ang panig ng susunod na administrasyon na isulong ang muling pagpapatuloy ng peace talks sa susunod na buwan.
Sa joint statement na nilagdaan ng makabilang kampo sa pagkikita ng mga ito sa Oslo Norway, nagkasundo na ituloy ang pormal na peace talks sa ikatlong linggo ng Hulyo.
Kabilang sa mga nakatakdang talakayin sa resumption ng peace talks ay ang pagpapatibay sa mga naunang kasunduan, pagpapabilis sa negosyasyon at iba pa.
Tatalakayin din sa pag-uusap ang paggawad ng amnesty sa mga political prisoners, ang pakakaroon ng interim ceasefire at pagrebisa sa Joint Agreement on Security Guarantees o JASIG.
Matatandaang nagtungo ang mga kinatawan ng susunod na Duterte administration sa Oslo Norway sa pangunguna ni incoming Labor Secretary Silvestre Bello III at peace adviser Jesus Dureza.
Sa kanilang pagtungo sa naturang bansa, kanilang nakaharap sina CPP founding chair Jose Maria Sison at iba pang miyembro ng NDF upang isulong ang inisyal na pag-uusap ukol sa resumption ng peace talks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.