Gatchalian pabor na maibalik ang pre-pandemic school calendar
Papaboran ni Senator Sherwin Gatchalian ang anumang panawagan at hakbang na maibalik ang nakasanayan na “school calendar” bago ang pagtama ng pandemya noong 2020.
Ito ang sinabi ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education matapos ang ilang insidente sa mga paaralan dulot ng mainit na panahon.
Bago ang pandemya, nagsisimula ang mga klase sa bansa sa buwan ng Hunyo at nagtatapos ng Marso.
Ngayon, Agosto ang simula ng mga klase sa mga pampublikong paaralan, samantalang iba sa mga pribadong paaralan.
Katuwiran pa ni Gatchalian, natatapat sa buwan ng Mayo ang mga eleksyon sa bansa at ginagamit ang mga paaralan na presinto sa pagboto.
Paglilinaw lamang niya, ang hindi maaring amyendahan ay ang itinakdang 200 araw na pasok ng mga estudyante sa klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.