6 patay, 23 sugatan sa pagsalpok ng truck sa bahay sa Zamboanga City

By Jan Escosio March 30, 2023 - 05:42 AM

PNA PHOTO

Dumiretso at nagmistulang garahe ng isang truck ang isang buong bahay sa Zamboanga City.

Base sa ulat ng pulisya, pababa ang truck, na may sakay na higit 20 factory workers, nang mawalan ng preno at sumalpok sa isang bahay sa Sitio Daap sa Barangay Sangali.

Tumilapon ang karamihan sa mga sakay ng truck.

Agad isinugod ang mga sugatan sa ospital, ngunit anim ang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Napinsala ang binangga na bahay.

Nabatid na ang truck ay nagsisilbing “service vehicle” ng mga manggagawa sa pabrika.

TAGS: aksidente, truck, Zamboanga City, aksidente, truck, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.