Apila sa ICC hindi pa naibabasura – SolGen Guevarra

By Jan Escosio March 30, 2023 - 05:31 AM

Nilinaw ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi pa ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang apila ng Pilipinas na itigil na ang pag-iimbestiga sa ikinasang anti-illegal drugs operationsa bansa.

Sa isang panayam sa telebisyon, ipinaliwanag ni Guevarra na ang ibinasura ang unang kahilingan ng bansa na itigil ang imbestigasyon habang isasampa pa ang kanilang apila at ang desisyon sa apila.

Aniya ang inilabas na desisyon ng ICC Appeals Chamber noong Lunes ay hindi para sa isinumiteng apila noong Marso 13.

Ayon pa kay Guevarra, ito ang kanyang lilinawin ng husto kay Pangulong Marcos Jr.

Magugunita na inanunsiyo ng Punong Ehekutibo na tapos na ang lahat ng kaugnayan ng Pilipinas sa ICC matapos ipaalam sa kanya ang desisyon.

Sinabi ni sumulat siya kay Pangulong Marcos Jr., para lubos na ipaliwanag ang status ng kanilang apila.

TAGS: ICC, Solgen, War on drugs, ICC, Solgen, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.