Cash for Work program ikakasa sa Mindoro oil spill incident

By Chona Yu March 29, 2023 - 04:32 PM

Palalawakin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang cash for work program para sa mga residenteng apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa halip na 15 araw lamang, gagawin na itong 45 na araw, depende  sa pangangailangan ng mga residente.

Sakaling tumagal pa ang oil spill, maari pang palawigin ng hanggang 90 na araw ang cash for work program.

Sabi pa ni Gatchalian, kapag natapos na ang cash for work program ng DSWD, sasaklolo ang DOLE para naman sa Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged o TUPAD program.

Patuloy din aniya ang pamamahagi ng DSWD ng food packs.

TAGS: Cash for work, DOLE, dswd, TUPAD, Cash for work, DOLE, dswd, TUPAD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.