1M batang Pinoy ang kulang sa tangkad, P10B inilaan sa programa
By Chona Yu March 29, 2023 - 11:34 AM
Halos isang milyong bata ang kulang sa tamang tangkad sa Pilipinas kayat inilunsad ng gobyerno ang Philippine Multisectoral Nutrition Project sa Manila Hotel sa Maynila.
Layunin ng proyekto na makamit ang mga pangunahing epekto sa kalusugan at nutrisyon ng mga batang Pilipino.
Ikakasa ang proyekto sa 275 munisipalidad, 13 rehiyon at 29 na mga probinsiya lalo na sa mga lokal na pamahalaan na may mataas na bilang ng mga batang bansot o mga batang mas mababa sa edad na lima gayundin ng mga buntis at mga nagpapadedeng mga ina.
Pinili ang mga local government units na ito base sa ilang katangian o criteria tulad ng mataas na bilang ng mga batang bansot o nasa 17.5% at may mataas na antas ng kahirapan.
Kabilang sa mga lugar kung saan ipatutupad ang programa ay sa Nueva Ecija, Quezon, Occidental Mindoro, Romblon, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Iloilo, Negros Occidental, Cebu, Negros Oriental, Eastern Samar, Leyte, Northen Samar, Western Samar, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Lanao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, North Cotabato, Saranggani, Sultan Kudarat, Surigao del Sur, Sulu, Maguindanao at Lanao del Sur.
Nasa P10 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para tugunan ang halos isang milyong bansot na bata sa bansa.
Sa nasabing okasyon, ibinahagi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na inutang ang pondo mula sa World Bank.
Ito aniya ay “whole of nation approach” para hindi lang ang mga batang bansot ang tutugunan kundi maging ang malnutirsyon.
Bibigyan naman ng insintibo ng pamahalaan ang mga local government units na makatutugon sa malnutirsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.