Higit 10,000 litro ng oil water mixture nakuha sa Mindoro oil spill

By Chona Yu March 29, 2023 - 11:23 AM
Umabot na sa 10,363 litro ng oily water mixture at 131 sako ng  oil-contaminated materials ang nakolekta ng Philippine Coast Guard  (PCG) sa offshore oil spill response operations sa Oriental Mindoro. Ayon sa PCG, nasa 137 sako ng oil-contaminated materials ang nakolekta naman sa shoreline response. Sa kabuuan, sinabi ng PCG na nasa 3,781.5 sako at 22 drums ng  waste ang nakolekta mula sa clean up operations na isinagawa mula noong Marso 1 hanggang 28. Nakolekta ito mula sa  13 apektdong barangays sa Naujan, Bulalacao, at Pola sa  Oriental Mindoro. Noong Pebrero 28 nang lumubog ang MT Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng fuel.

TAGS: clean up, Mindoro, Oil Spill, PCG, clean up, Mindoro, Oil Spill, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.