MMDA magpapatupad ng “heat stroke” break sa mga tauhan

Simula sa darating na Sabado, Abril 1, magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng  “30-minute heat stroke break” sa kanilang  field personnel bunga ng matinding init ng panahon.

Nagpalabas na si MMDA acting Chairman Don Artes  ng memorandum circular ukol sa “heat stroke break” para maiwasan ng kanilang mga tauhan ang  heat exhaustion, heat stroke, at  heat cramps.

“This move is part of the agency’s efforts to prevent heat-related illness among our outdoor workers who brave the searing heat every day to fulfill their duties and responsibilities. Their safety is of paramount importance,” paliwanag ni Artes.

Sinabi pa ng opisyal ang memorandum circular ay epektibo hanggang sa Mayo 31 at ito at araw-araw na ipapatupad na may rotasyon.

Paliwanag niya ang kanilang  on-duty traffic enforcers at  street sweepers  ay pinapayagan na lumilim ng 30 minuto para malamigan ang katawan.

Ang mga traffic enforcers na may duty na ala-5 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon ay maaring mag-break sa pagitan ng alas-10 at alas-11 ng tanghali, sa pagitan naman ng alas-2:30 hanggang alas-3:30 ang break ng mga nakaduty ng ala-1 hanggang alas-9 ng gabi.

Sa mga may duty ng ala-6 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, ang kanilang break ay pagitan ng alas-11 ng tanghali hanggang alas-12 at sa mga 2pm – 1opm shift ang break ay pagitan  ng alas-3 at alas-4 ng hapon.

Iba din ang schedule ng break ng mga street sweepers.

 

 

Read more...