Malawakang reorganisasyon sa BuCor idineklara ni Catapang
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Inanunsiyo ni bagong Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang ikakasa niyang malawakang reorganisasyon sa mga pasilidad na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa.Aniya sisimulan niya ito sa pagbalasa sa 700 correction officers na nakatalaga sa maximum-security compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.Dagdag pa niya, magtatalaga siya ng isang babae na mamumuno sa mga nagbabantay sa maximum security compound.“Mas matapang daw ‘yung babae, tama kung tama, mali kung mali,” aniya.Dagdag pa niya: “Kasi halimbaawa sa ating mga lalaki ‘pare pakiusap lang,’ ‘o sige pare pagbibigyan na kita.”Kasabay nito, istrikto din niyang ipatutupad ang “one strike policy” sa kawanihan.“Kahit hindi ikaw ‘yung commander, pero ikaw ‘yung guwardiya sa sector na ‘yun, hindi lang tatanggalin, ipapatanggal ko sa serbisyo,” pagdidiin ni Catapang.Nilinaw lang din niya agad na ang lahat ay dadaan sa tamang proseso.