Abu Sayyaf Group hindi makakarating sa Metro Manila ayon kay PNoy

By Alvin Barcelona June 15, 2016 - 08:13 PM

abu-sayyaf
Inquirer file photo

Ibinida ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga ibinunga ng military at law enforcement operations kontra sa Abu Sayyaf Group sa mga lalawigan ng Sulu at Basilan.

Ayon sa Pangulo, nalimitahan na lamang ang galaw ng grupo ni Esnilon Hapilon sa dalawang barangay sa Basilan.

Dahil anya dito, malabo na ang plano ng grupo na maghasik ng terorismo sa  Metro Manila para magpapansin sa mga international terrorist groups.

May mga naaresto at sasampahan na ng kaso na mga miyembro ng bandidong grupo na sangkot sa kidnap for ransom activities.

Bukod pa aniya ito sa dalawang foreign terrorists na kasama ni Hapilon na na-neutralized sa operasyon sa Basilan.

Sa kanyang pagsasalita kanina sa Jolo Sulu, sinabi ni Aquino na may mga ipatutupad na taktika ang AFP para mapabilis ang pagdurog sa bandidong grupo.

Una ng sinabi ni Aquino na lilipulin ng kanyang administrasyon ang Abu Sayyaf bago matapos ang kanyang termino.

TAGS: Abu Sayyaf, Aquino, Basilan, Sulu, Abu Sayyaf, Aquino, Basilan, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.