Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasanib puwersa ng Development Bank of the Philippines at Landbank of the Philippines.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, dahil sa pagsasanib puwersa, maituturing na ngayon na pinakamalaking bangko sa bansa ang Landbank at dinaig na ang Banco de Oro.
Ayon kay Diokno, nasa 752 ang branch ng Landbank habang nasa 147 naman ang branch ng DBP.
Dahil sa pagsasanib puwersa, sinabi ni Diokno na makatitipid ang gobyerno ng P5.3 bilyon kada taon.
Tiniyak naman ni Diokno na bibigyan ng kaukulang benepisyo ang mga empleyado na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasanib puwersa ng Landbank at DBP.
MOST READ
LATEST STORIES