P1.747 bilyong pondo inilaan para sa BFP modernization program
Aabot sa P1.747 bilyong pondo ang inilaan ng Department of Budget and Management para sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, gagamitin ang pondo sa pagkuha at pagsasaayos ng mga pasalidad, pagbili ng firetrucks, fire fighting, personal protective equipment, at emergency and rescue equipment.
Ayon kay Pangandaman, sa naturang halaga, P.737 bilyon ang nakalaan para sa BFP specific budget sa ilalim ng FY 2023 General Appropriations Act (GAA), habang ang P1 bilyon kukunin sa 80 percent ng buwis, fees, at fines na nakolekta alinsunod sa Fire Code of the Philippines.
“Habang ating ginugunita ang buwan bilang Fire Prevention Month, hayaan ninyong i-highlight natin ang special provision ng Marcos Jr. administration para suportahan ang modernisasyon ng ating BFP. Naglaan tayo ng P1.7 Billion para sa gamit ng ating mga bumbero. Pagkilala rin ito sa kanilang halaga sa ating lipunan bilang life savers sa panahon ng disasters at emergencies,” pahayag ni Pangandaman.
Ideneklarang Fire Prevention Month ang buwan ng Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.