(PDEA photo)
Naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaki dahil sa pagbebenta ng cocaine sa Sta. Rosa City sa Laguna.
Kinilala ang dalawa na sina Aaron Gidwani, 37 at Mark Paul Pagayon, 41.
Pinaniniwalaan na ang dalawa ang nagbebenta ng cocaine sa mga bahay aliwan sa Pampanga at Metro Manila.
Nakumpiska sa kanila ang 500 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P2.65 milyon.
Sasampahan sila ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.