Duterte pinag-iingat sa emergency power kontra trapik

By Den Macaranas June 15, 2016 - 04:24 PM

SHOOTING OF BOURNE LEGACY IN TAFT-EDSA / JANUARY 27, 2012 Heavy traffic occur near Taft-Edsa during the shooting of Hollywood film the Bourne Legacy on Friday. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Pinag-iingat ng isang commuter advocacy group si incoming President Rodrigo Duterte hingil sa mga nagtu-tulak na bigyan siya ng emergency power para solusyunan ang problema ng mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Center for Commuter Safety and Protection President Elvie Medina na importanteng makilala ni Duterte kung sino ang mga nasa likod ng nasabing panukala.

“May mga sariling agenda at motibo ang nasa likod ng pagsusulong ng emergency power para kay Duterte”, paliwanag ni Medina.

Kanya ring ipinaliwanag na hindi emergency power ang kailangan ng susunod na pangulo kundi mahusay na traffic czar na may alam sa traffic management at hindi yung kung sino sino lang.

Sinabi pa ni Medina na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan kay C/Supt. Arnold Gunnacao, pinuno ng Highway Patrol Group partikular na sa pagsasa-ayos ng trapiko sa kahabaan ng Edsa.

Isa sa kanilang panukala ay ang paglalaan ng isang linya sa tabi ng bus lane sa Edsa na pwedeng daanan ng iba pang mga pampasaherong sasakyan tulad ng provincial buses, mga taxi at U.V express services.

TAGS: edsa, elvie medina, Gunnacao, traffic, edsa, elvie medina, Gunnacao, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.