Mindoro oil spill insurance claims sisimulan iproseso ngayon
Inanunsiyo ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor na sisimulan na ngayon araw ang pag-proseso sa insurance claims ng mga naapektuhan ng oil spill.
Alas-3 aniya ngayon ay mamamahagi ng application form para sa insurance claim.
Una nang sinabi naman ni Quezon City Rep. Marvim Rillo (4th district) na maaring humigit sa P1.1 bilyon ang babayarang insurance bunga ng oil spill na idinulot ng paglubog ng MT Princess Empress.
Ito aniya ay kung pagbabasehan ang katulad na insidente sa Guimaras Island noong 2006, kung kailangan higit P1.1 bilyon ang bimayaran sa 26,872 compensation claims.
Aniya sa naturang insidete, kabilang sa mga naningil ay mga may-ari ng beach resorts, boat service operators at iba pang tourism service providers.
Ayon sa isang abogado ng P&! Club, ang insurer ng MT Princess Empress, ang ibibigay na kompensasyon ay depende sa halaga ng danyos na idinulot.
Base sa mga naunang ulat, humigit kumulang 149,000 indibiduwal ang naapektuhan ng oil spill, kabilang ang higit 13,000 nabubuhay sa pangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.