NLEX Connector mula Caloocan – España binuksan ni Pangulong Marcos Jr
Limang minuto na lamang ang biyahe mula mula sa Manila patungo sa Caloocan City sa pagbubukas ng unang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) Connector .
Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang pagbubukas ng proyekto na babagtas ng Caloocan patungo sa España sa Manila.
Nabatid na ang first section ng NLEX Connector ay five-kilometer elevated expressway na dadaan sa urbanized areas kasama na ang C3 Road/5th Avenue, Blumentritt at España sa Manila.
Dahil sa bagong kalsada, maiibsan na ang trapik sa kahabaan ng España Boulevard, Abad Santos Avenue, Rizal Avenue at Lacson Avenue, kasama na ang University Belt.
Nasa P23 bilyon ang inilaang pondo sa kabuuan ng NLEX Connector na may walong kilometro ang haba.
Nasa 35,000 na sasakyan kada araw ang makikinabang sa bagong proyekto.
“The NLEX Connector will also contribute to the ease of movement of cargo and goods from north to south and vice versa, especially those coming from the Port of Manila. It will provide great relief to the logistics sector since there will be an alternative route for truckers who wish to avoid the congestion in the main roads within the metropolis,” pahayag ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, malaking tulong ito para sa mobility ng mga tao. “This is indeed another achievement and undoubtedly will significantly improve the mobility of people, of goods, and of services not only within Metro Manila but also within its environs,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.