P1-M pabuya inialok para sa mga pumatay sa opisyal ng Bulacan police

By Jan Escosio March 27, 2023 - 10:52 AM

Tatanggap ng P1 milyong pabuya mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP)para sa makakapagturo sa mga pumatay sa hepe ng pulisya ng bayan ng San Miguel.

Kamakalawa ng gabi nang barilin sa ulo si Police LCol. Marlon Serna  habang pinamumunuan ang isang follow-up operation sa isang kaso ng robbery sa Barangay Buhol na Mangga sa bayan ng San Ildefonso.

Nabatid na sakay ng motorsiklo ang mga salarin at pagkabaril kay Serna ay tumakas ang mga ito patungo sa direksyon ng Barangay Akle sa bayan ng San Ildefonso.

Isinugod pa sa Emmanuel Hospital si Serna ngunit binawian ito ng buhay habang ginagamot.

Ipinag-utos na ni Central Luzon Police director, BGen. Jose Hidalgo Jr., ang masusing imbestigasyon sa insidente at siya na ang nag-anunsiyo sa pabuya sa kaso.

TAGS: Bulacan, police, riding in tandem, Robbery, Bulacan, police, riding in tandem, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.