Bangka na puno ng puslit na sigarilyo nasabat sa Zamboanga

By Jan Escosio March 27, 2023 - 10:43 AM

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang isang bangka na may karga na mga puslit na sigarilyo sa karagatan sakop ng Barangay Arena Blanco sa lungsod ng Zamboanga.

Nagsagawa  ng seaborne patrol ang pinagsanib na puwersa ng BOC-POZ Enforcement and Security Service (ESS) , Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) nang mamataan ang bangkang Jungkong.

Nagmula ang bangka sa Jolo, Sulu at ito ay may apat na tripulante.

Nabigo ang apat na magpakita ng mga dokumento para sa karga nilang 141 master cases ng mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P4.9 milyon.

Mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa R.A. 10863 o  “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016.

TAGS: BOC, sigarilyo, smuggling, Zamboanga, BOC, sigarilyo, smuggling, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.