Energy Commission palpak sa pagbabantay sa power distribution utilities
Binatikos ni Senator Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa kabiguan na maayos na mabantayan ang distribution utilities (DUs).
Sinabi ni Gatchalian kung maayos na nagagawa ng ERC ang kanilang mandato makakatiyak ng murang kuryente para sa mga konsyumer.
“A regulator is supposed to protect consumers but if you’re saying our distribution utilities are operating without approved power supply agreements and are charging generation rates beyond what is allowed, how can we be confident of our own regulator?,” tanong ni Gatchalian sa ERC sa pagdinig ng Senate Committee on Energy.
Kayat pinasusumite ng senador ang energy regulatory body ng “action plan” upang hindi na maulit ang pangyayari.
Binanggit nito ang naging kaso ng San Fernando Electric Light and Power Company, Inc. (SFELAPCO) sa Pampanga, na inatasan ng ERC na bayaran ang kanilang konsyumer ng P654.4 milyon na sobrang nakolekta noong Enero 2014 hanggang Disyembre 2020.
Pinatawan pa ang SFELAPCO ng P21.6 milyong multa dahil sa pagpasa sa kanilang kustomer ng generation rate na hindi aprubado ng ERC.
Nabunyag sa pagdinig na higit 20 DUs sa bansa ang may operasyon kahit walang aprubadong PSAs kayat nanawagan si Gatchalian sa ERC na resolbahin ang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.