20 5-story buildings para sa pabahay ng gobyerno itatayo sa Valenzuela City

By Chona Yu March 27, 2023 - 10:23 AM

CHONA YU PHOTO

Magtatayo ng 20 five-story medium rise buildings sa utos  ni Pangulong Marcos Jr. sa Disiplina Village, Marcelo H. Del Pilar, Arkong Bato, Valenzuela City.

Personal na pinangunahan  ng Pangulo ang groundbreaking ceremony para sa kabuuang 1,200 housing units.

Ayon kay National Housing Authority General Manager Joeben Tai, mga informal settlers na naninirahan sa paligid ng Manila Bay ang makikinabang sa naturang proyektong pabahay..

Ito aniya ang mga naapektuhan sa naging desisyon ng Korte Supreme na Mandamus to clear the Manila Bay Area.

Nabatid na ang ipagagawa ngayon ng Pangulo ay ang Phase 1 ng proyekto na dalawang five-storey low rise building

Ayon kay Engineer Jeanilyn Cabulong, acting principal engineer ng National Housing Authority nasa P160 milyon ang inilaang pondo para sa dalawang gusali. Inaasahang matatapos ito sa loob ng isang taon.

Target ng Pangulo na makapagpatayo ng 6 milyong pabahay sa loob ng anim na taon.

TAGS: government, government housing, informal settlers, government, government housing, informal settlers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.