Caregiver’s Welfare Act itinutulak ni Sen. Bong Go
Nanawagan si Senator Christopher Go sa mga kapawa senador na ipasa na ang Senate Bill Number 2261 o ang Caregivers’ Welfare Act.
Sa kanyang pag-sponsor sa batas, sinabi ni Go na kilala ang kahusayan at dedikasyon ng Filipino caregivers sa buong mundo.
“That’s how our caregivers work, the care they pour is equal to their love for their family,” aniya.
Dagdag pa niya: “As the Chair of the Committee on Health and Demography, I would like to take this opportunity to recognize the invaluable contribution of our Filipino caregivers to the healthcare industry. We cannot deny the hard work of a caregiver. They often leave their families behind to support their loved ones. Their hard work in life includes the sadness of being separated from their family.”
Layon ng panukala na makapagpatupad ng guidelines ukol sa paghahanda at pagkasa ng employment contracts, pagsusumite ng mga pre-employment requirements, oras ng trabaho, minimum wage, pagbabayad n sa suweld, leave benefits, ibang mga benefits, non-diminution of benefits, at settlement of disputes.
Pinatitiyak din ang privileged information and communication sa pagitan ng caregiver at kanilang kliyente, proteksyon ng caregiver sa hindi makatarungan nan pagpapatigil ng serbisyo at proteksyon nila na nakapasok sa pamamagitan ng pribadong ahensiya.
Sasakupin ng batas ang licensed caregivers, mga nagtapos ng caregiving courses o anumang allied healthcare course, at ang mga may sertipikasyon mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
“The bill also reiterated the grant of 13th month pay, leave benefits, and other benefits provided by law, and basic necessities for the caregiver,” sabi pa ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.