World class at pinakamalaking passenger terminal binuksan ng PPA sa Oriental Mindoro

By Jan Escosio March 27, 2023 - 10:13 AM

Bukas na sa publiko simula ngayon araw ang inayos at pinagandang Passenger Terminal Building (PTB) sa Port of Calapan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na maituturing na “world class” ang PTB at ito ay may kapasidad ng 3,500 pasahero anumang oras mula sa dating 1,600.

Ito aniya ay may prayer room, mas magandang breastfeeding area, all gender restroom, high tech automated doors, escalators at elevators para sa mga pasaherong may pangangailangan.

Sabi pa ni Santiago, malaking tulong ang pasilidad lalo na ngayon papalit ang Semana Santa at marami sa mga Filipino ang maglalakbay sa pamamagitan ng karagatan.

“Tuwing peak season, nasa humigit kumulang 12,000 ang pasaherong gumagamit ng pantalan araw-araw na kung minsan ay nasa labas lamang ng lumang terminal  ang mga naghihintay kaya naman inaasahan nating hindi na mangyayari ngayon yan dahil mas malaki na ang kapasidad ng bagong PTB sa Calapan Port,” sabi pa ng opisyal.

Diin niya ang proyekto ay bahagi ng inisyatibo ng kanilang ahensiya para mapagbuti pa ang kapakanan ng mga pasahero sa pamamagitan ng serbisyo na ibinibigay ng PPA.

“Laging kapakanan ng mga pasahero ang isinasalang-alang ng PPA sa ating mga proyekto. Kaya makakaasa ang ang publiko na hindi kami hihinto sa paggawa ng mga proyekto upang mas mapa-unlad pa ang sektor ng turismo, paggawa at transportasyon sa maraming lugar sa bansa,” pahayag pa ni Santiago.

TAGS: Oriental Mindoro, passenger, ppa, seaport, terminal, tourism, Oriental Mindoro, passenger, ppa, seaport, terminal, tourism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.