Pangulong Marcos umapila sa publiko na makiisa sa Earth Hour

 

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong bansa na makiisa sa Earth Hour mamayang 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi.

Ayon sa Pangulo, ito ay para makatulong na makaiwas sa epekto ng climate change.

Sabi ng Pangulo, makikiisa ang Palasyo ng Malakanyang na papatayin ang mga non-essential lights sa Earth Hour.

Ayon sa Pangulo, nasa 20 bagyo ang tumatama sa bansa kada taon dahilan kung kaya isa ang Pilipinas sa pinaka-apektado ng climate change.

“As the earth’s temperature gets warmer, with the world’s carbon footprint reaching a new all-time high of 36.8 gigaton in 2022, the world braces for the irreversible impact of climate change,” pahayag ng Pangulo.

“It only takes 60 minutes to do good for our future, 60 minutes to take notice and commit to saving Mother Nature to be united and take action because together nothing is impossible,” dagdag ng Pangulo.

Inorganisa ng World Wildlife Fund ang Earth hour.

Layunin nito na mahikayat ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente at pangalagaan ang kalikasan.

“So at this hour, let us stop, slow down and dedicate a moment to help the Earth breathe and heal anew. May this shared activity remind everyone that environmental preservation is an inter-generational responsibility and that it should become our individual and collective priority in the pursuit of progress and prosperity,” sabi ng Pangulo.

“Let us become part of the solution and embark on advocacies, programs and initiatives that will help us protect and preserve the Earth, our only home,” dagdag ng Pangulo.

 

Read more...