Bahay ni dating Negros Oriental Governor Henry Teves sinalakay ng CIDG
Sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang tahanan ni dating Governor Pryde Henry Teves sa Brgy. Caranoche, Sta. Catalina, Negros Oriental.
Si dating Governor Teves ay nakababatang kapatid ni suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. na nadadawit sa pagpatay kay Governor Rodel Degamo.
Ayon sa CIDG, nakuha sa tahanan ng dating gobernador ang 10 baril kabilang na ang tatlong rifles at mga bala ng baril ng 9mm at .45 caliber pistols, M-14 rifle at shotgun.
Nakuha rin sa tahanan ni Teves ang P17 milyong cash.
Ginawa ng mga tauhan ang raid sa bahay ni dating Governor Teves dalawang linggo matapos salakayin ang bahay ni Congressman Teves.
Naaresto rin ng mga tauhan ng CIDG ang tatlong katao dahil sa illegal possession ng hindi lisensyadong baril.
Ginawa ng mga tauhan ng CIDG ang raid sa bahay ng dating gobernador matapos makakuha ng sear warrant mula sa korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.