Martial law sa buong Sulu muntik na ayon sa Pangulo

By Den Macaranas June 15, 2016 - 04:08 PM

Benigno-Aquino
Inquirer file photo

Inamin ni Pangulong Noynoy Aquino na muntik na siyang magdeklara ng martial law para sa buong lalawigan ng Sulu makaraan ang ginawang pagpugot ng Abu Sayyaf sa Canadian na si Robert Hall.

Ang Pangulo ay kasalukuyang nasa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo Sulu at nakikipag-usap sa mga opisyal ng militar para sa posibilidad ng isang mas pinalawak na operasyon kontra sa bandidong grupo.

Sa kanyang pagharap sa mga media, sinabi ni Aquino na hindi natuloy ang implementasyon ng batas militar sa Sulu dahil baka makakuha lamang ng simpatya sa publiko ang Abu Sayyaf Group.

Kasama sa top level security meeting sa Camp Teodulfo Bautista kanina sa sina Defense Sec. Voltaire Gazmin at Interior Sec. Mel Sarmiento.

Kahit ilang araw na lamang ang nalalabi sa kanyang termino bilang pangulo ng bansa, sinabi ni Aquino na magpapatuloy pa rin ang paghahabol ng mga tauhan ng AFP at PNP sa mga kasapi ng ASG na pinaniniwalaang nasa kabundukan lamang ng Sulu.

TAGS: Abu Sayyaf, Aquino, Gazmin, Jolo Sulu, Martial Law, robert hall, Sarmiento, Abu Sayyaf, Aquino, Gazmin, Jolo Sulu, Martial Law, robert hall, Sarmiento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.