Mas mahabang “phaseout period” sa POGOs makakabuti sa paningin ng foreign investors – Angara

 

SENATE PRIB PHOTO
Makatuwiran lamang na bigyan ng sapat na panahon ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para itigil ang kanilang operasyon sa bansa, ayon kay Senator Sonny Angara. Katuwiran ni Angara, inimbitahan ng gobyerno ang mga banyagang negosyante na mamuhunan sa bansa ang mga lehitimong POGOs dahil na rin nagbabayad sila ng tamang buwis at nagbibigay ng mga benepisyo sa kanilang mga empleado. Tama lamang aniya na bigyan sila ng mas mahabang “phase-out period” at hindi lamang tatlong buwan. “A longer period would be more reasonable/justified given it was also the government which invited them to invest in the first place,” diin ni Angara. Sinang-ayunan ni Angara ang posisyon ni Senate Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito ang mas matagal na “phaseout period” para sa legit POGOs para naman hindi magdalawang-isip ang mga potensiyal na mamumuhan sa bansa. Base sa inilatag na committee report ni Sen. Sherwin Gatchalian, ang namumuno sa Committee on Ways and Means at nanguna sa pag-iimbestiga sa mga epekto ng POGOs, inirekomenda ang agarang pagpapasara sa POGOs. Wala pang sapat na bilang ng pirma ng mga senador ang naturang ulat. Nakasaad sa report na ang Pilipinas ang pinaka-atraktibong opsyon para sa offshore gaming operations. Binanggit pa sa report ang 2018 study bagama’t mas mura ang real estate ng Myanmar, Laos at Cambodia, wala naman silang mga magagarang mall, hotel at onsite casino hindi tulad ng Pilipinas. Ang mga ito aniiya’y dagdag atraksyon sa mga mayayamang turista. Binanggit din sa report ang Guangxi University Centre for Philippine Studies Director Chen Bingxiang, na nagpaliwang na: “The apparent indispensability of POGOs to the Philippines is due to the tax revenues and the development of the Philippine economy, as a whole, due to a widespread network of cottage industries that has cropped up around POGOs.” Nabanggit sa report na aminado ang kumite na nakikinabang ang gobyerno sa industriya sa pamamagitan ng gaming tax, corporate and individual income taxes, value-added taxes, local government permits, at fees and charges, Dagdag pa diyan ang demand para residential, office at commercial spaces, pag-usbong kaanib na industroya tulad transportation, food athospitality, job creation para sa direct at indirect employees, at corporate gains sa Pagcor at CEZA na nag-iisyu ng lisensiya sa POGO, kanilang service providers at gaming agents.

Read more...